AQUILNA "Pwede bang bitiwan mo ang kaibigan ko?" mariing pakiusap ni Mildred. Siya na mismo ang nag-alis sa kamay noong lalaki na nagsasabi na siya ang hinahanap namin. Hindi iyon ang iniisip ko ngayon, dahil mas naintriga ako kung paano siya nakasunod sa amin nang hindi namin nahahalata. Kanina pa ba siya? Hanggang saan ang narinig niya sa pag-uusap namin ni Mildred? "Paumanhin. Nasabik lang akong makitang muli ang taong pinagkakautangan ko ng aking buhay," ani ya, hindi pa rin matigil ang ngiti sa mukha nito. Ako ba ang tinutukoy niya? Sa akin siya nakatingin. "Mawalang galang na ngunit wala kaming oras para makipagbalitaktakan sa isang stranghero. Marami pa kaming dapat gawin ng aking kaibigan kaya mauuna na kami sa iyo." Hinila ni Mildred ang aking braso at naglakad na kami sa ta

