Isang makulimlim na kalangitan buhat sa nakaraan ang inalala ni Ignacio Perez. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng lumang ala-ala sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang walang malay na mukha ni Aquilina. LIMANG taon pa lamang noon si Ignacio, noong lumipat sila ng kaniyang mga magulang sa baryo Milagrosa. Kilalang Doktor ang kaniyang ama, ang ina naman nito ay isang akawntant. Mayaman ang kanilang pamilya ngunit napunta sila sa isang baryo dahil doon nakadestino ang kaniyang papa. Noong mga panahon na iyon, unti-unti pa lang binabangon ng mga Rimas ang kanilang yaman at pangalan. Mga Alvarado ang naghahari sa maliit na baryo, sumunod ang mga Valencia. Hindi nagtagal ang kanilang paninirahan sa baryo Milagrosa dahil sa trahedyang nangyari kay Ignacio. "Pst, bata. Gusto mo ng kendi

