AQUILINA "Aayos ka lang ba? Wala ba silang ginawa sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Mildred. Natapos na ang pag-uusap namin ni Ignacio at masaya ako dahil nakuha ko ang suporta niya. Sinabi ko sa kaniya ang pangalan ng lahat ng nilalang na gusto kong bawian ng hustisya. Wala akong tinira, wala akong inabswelto sa ngalan ng apelyido o dugo. Ang may sala ay dapat magbayad. "Wag kang mag-alala dahil maayos ang turing nila sa akin. Nga pala, Mildred, ito si Ignacio, ang tutulong sa atin. Ignacio, ito naman si Mildred, matalik kong kaibigan." Tumango sila sa isa't isa. Inilingkis ni Mildred ang kaniyang kamay sa aking braso habang nakatingin kay Ignacio. "Ano naman ang kapalit ng pagtulong mo sa amin? Para sabihin ko sa iyo, hindi na pwede itong si Aquilina. Mayroon na siyang Basilio, kaya kun

