NAKARATING na ang sasakyang sinasakyan ni Criscentia sa pinagtataguan ni Don Crisanto. Hindi siya makapaniwala dahil sa isang lumang simbahan siya dinala ng tauhan ni Don Ignacio. Pangalawa, hindi niya inaasahan na makikita ang kaniyang ama na halos wala nang buhay habang nakagapos ang mga kamaya at paa. "Anong ginawa niyo sa kaniya? Alam niyo naman na matanda na siya, hindi ba pwedeng igapos niyo na lang siya't wag nang saktan?" tanong ni Criscentia. "Kami lang po'y sumusunod sa utos ni Don Ignacio. Mayroon lamang po kayong tatlumpung minuto para kausapin ang iinyong ama. Ihahatid ko na po kayo pagkatapos noon." Umiling si Criscentia. Mayroon na siyang plano ngayong araw at hindi matatapos dito iyon. "Nais kong dalhin mo ako kung nasaan si Aquilina. Hindi lang si ama ang dapat kong kau

