ANG bagyo ay tuluyan nang tumila, bahaghari ay dumungaw na sa kalangitan. Katulad ng samahan ng mga Alvarado at Valencia, natuldukan nang tuluyan ang kanilang pagkakaibigan. Kinanta na ni Don Crisanto ang kasalanan na pinagsaluhan nila ni Don Dante. Nagpasiya na ang martilyo, kumakalansing ang posas sa kamay ng dalawang Don habang mabigat ang paang binabagtas ang malamig na sahig patungo sa kanilang paglalagakan. Noong sumara na ang pinto ng rehas at sila na lamang naiwang dalawa, doon na nag-amok si Don Dante. Hinila nito ang kwelyo ng damit ni Don Crisanto, mariing tinanong kung bakit siya umamin sa madla. Kapwa lumuluha ang kanilang mata, ngunit ang damdamin nia ay hindi magkatugma. Tanggap na ni Don Crisanto na mananalagi siya sa malamig na seldang ito ng apat at kalahating taon dahi

