DON FELICIO Naua'y hindi pa ako huli. Naua'y biigyan pa ako ng pagkakataon ng maykapal na maayos ang lahat. "Anong dailan bakit mo ako pinapunta rito, Don Felicio?" tanong ni Salume. Gaya ng kaniyang pangako, tinupad niya iyon. Kagustuhan kong lumayo sa kaniya. Kagustuhan ko ang putulin ang koneksiyon ko sa kaniya, ngunit iyon ay para maintindihan niya ang kaniyang kamalian. Tatanggapin ko naman siya kapag nagbago na siya, ngunit mukhang sa maling daan napunta ang aking plano. "Sana'y hindi ko naiistorbo ang isang katulad mo. Ipinapangako kong mabilis lamang itong sasabihin ko sa iyo," ani ko. Hindi siya kumibo, nakatingin lamang siya sa akin. Hindi ko alam ngunit hinihiling ko na sana'y pareho kami ng nararamdaman ngayon. Sana, katulad ko'y nasasaktan din siya sa pinatunguhan ng rela

