DANTE "Lumabas ka riyan! Harapin mo ko at hindi ako magdadalawang-isip na idamay ka sa pagpapakulong ko sa anak mo!" Nabulabog ang tahimik kong pagsisyesta noong marinig ang malakas na boses ni Salume. "Ano na naman sa kaniya? Nais na naman ba niyang ipahiya ang kaniyang sarili?" tanong ko sa aking loob-loob. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Ako lang mag-isa rito sa bahay dahil sina Basilio at Edgardo ay pumuslit na naman. Ginagalit talaga ako ng dalawang iyon, makakatikim sila ng latigo kapag sila ay bumalik dito. "Anong masamang hangin ang nagdala sa iyo rito, Salume? Sumasabay ang lukot mong mukha sa alinsangan ng panahon. Sabihin mo ang iyong pakay at nang makaalis kaagad," panimula ko. Sapilitan niyang hinawi ang aking braso, napakapit ako sa haligi ng pinto dahil basta-basta na la

