BASILIO "Nakahanda na ba kayo?" masaya kong tanong sa dalawa. Tumango sila kung kaya't nagpaalam na kami kay Mang Apollonio na hahayo na. "Mag-iingat kayo, ha? Mildred, umayos. Edgardo, ikaw na ang bahala sa kapakanan ng aking anak." "Opo, Mang Apollonio." Tumingin naman ito sa gawi ko, wala siyang sinabi at tumango lang sa akin. "Mauuna na po kami. Maraming salamat po sa inyo," paalam ko. "Walang anuman. Naua'y matagpuan niyo na si Senyorita Aquilina." "Panigurado po." Pagkatapos ng pag-uusap namin ay lumabas na kami ng bahay. Sumakay kami sa sasakyan na pagmamay-ari nina Mildred. Dahil bumalik na iyong tauhan ni ama dala ang sasakyan namin, nakiusap kami kay Mang Apollonio kung maaaring gamitin iyong sa kaniya. Mabuti na lamang at pumayag ito. "Napakasakim mo, Basilio. Hindi tal

