MILDRED Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Humingi na ako ng tulong sa mga pulis upang dakpin si Mercado, ngunit ayon sa kanila ay hindi raw sila maaaring maglabas ng warrant of arrest nang walang matibay na ebidensya. "Walang matibay na ebidensya? Nasa Hospital na nga iyong taong muntik niya nang patayin! Anong klaseng ebidensya pa po ba ang nais niyo?" gigil kong bulalas sa kanilang harap. Hindi na ako nakauwi sa amin, dineretso ko sa Hospital si Edgardo at kaagad na nagtungo rito dahil nag-aalala rin ako sa kalagayan ni Basilio. Hindi namin siya tuluyang napigilan kanina dahil may tama sa balikat si Edgardo, hindi niya kaya ang lakas ng tiktik ni Donya Salume. "Huminahon ka, ineng. Ano ba ang apelyido no'ng sinasabi mong Mercado? Kasi hindi natin ito madadakip kung pang

