AQUILINA "Kailangan na po nating umalis dito, Manang. Hinahanap po ako no'ng taong sinasabi ko sa iyong nagkulong sa akin. Ano pong gagawin ko? Hindi po niya ako maaring mahuling muli. Ikakamatay ko na po kapag bumalik ako sa puder niya," pagmamakaawa ko kay Manang Gina habang nakahawak nang mahigpit sa kaniyang kamay. Tumango siya sa akin, mukhang nakuha ang nais kong mangyari. "Wag kang mag-alala, iha, tutulungan kitang makatakas. Halika't magtungo tayo ngayon sa pantalan. Magbakasakali tayo na sana'y may babyahe ngayon patungo sa sentro ng Daet," ani ya. Kinausap muna namin iyong Nars, kinuntsaba na sabihing wala ako rito, na nakaalis na ako kahapon pa. Pumayaga naman ito noong ipaliwanag ko sa kaniya nang mainam ang aking sitwasyon. Malaki ang pasasalamat ko dahil kahit na natunto

