KAPITOLO 5.9

1289 Words
AQUILINA Tapos na ang aming klase at kasalukuyan na kami ngayong nasa sasakyan patungo sa palengke. Ayon kay Nanay Badeth, mukhang magagabihan ang mga magulang ko ngayon dahil kasalukuyan silang nakikipag-usap kay Don Crisanto. Nakaliban din sa klase si Criscentia na ikinatuwa ko, marahil ay may kinalaman ito sa pagpatungo nina Ina sa kanila. "Senyorita, minsan dalaw ka rin sa bahay namin para makapaglaro tayo. Ipapakita ko sa iyo ang bago kong kwarto at ang aking sariling hardin!" masayang wika ni Mildred. Hinawakan niya ang aking kamay habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Oo naman. Magpapaalam ako kina Ina para makadalaw ako sa inyo sa linggo pagkatapos magsimba. Ayos lang naman po iyon, Nanay Badeth? Sa tingin niyo po papayagan ako?" tanong ko. "Malamang, Senyorita. Tutal, bahay naman ni Tiyo Apollonio mo ang iyong pupuntahan. Panigurado ako ro'n." Lumawak ang ngiti ko dahil hindi na ako makapaghintay pa. Hindi namin ngayon kasama ang bagong tatay ni Mildred sapagkat siya ang kasama nina Ina. Ngayon si Tiyo Pato ang nagmamaneho para sa amin. Nakiusap si Mildred na sasama raw siya sa'min bago umuwi sa kanila. Pinayagan ko na dahil kakailanganin ko rin ang kanyang tulong. Mahilig siya sa mga magagandang bagay kaya siya ang pagtatanungan ko kung anong bagay na ibigay kay Edgardo. Napansin ko kahapon na wala siyang bag na suot at tanging plastik lamang ang pinaglalagyan niya ng gamit. Naawa ako dahil paano kapag umuulan? Matulis pa naman ang dulo ng kwaderno, hindi imposibleng hindi mabutas iyon. "Nandito na tayo! Wow! Ngayon lang ako nakarating dito sa bayan!" maligalig na bulalas ni Mildred. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kanya. "Lagi akong nakakulong sa mansyon dahil pinagsisilbihan ko si Criscentia sa tuwing may hihingin ito. Pasensya na, Senyorita kung medyo nasabik po ako," paumanhin nito kahit na wala naman akong sinasabi. "Hindi mo naman kailangang sabihin iyan. Wag kang mag-alala, simula ngayon, paniguradong tuwing linggo, lagi kang makakapunta sa bayan." "Mga Senyorita, dito kayo. Kumapit kayo nang maigi sa kamay ko para hindi kayo mawala," wika ni Nanay Badeth. Tigkabila kaming kamay ni Mildred. "Nanay, si Tiyo Pato na lamang po ang sasama sa amin para makabili ka na po ng mga dapat bilhin. Para mabilis na rin po tayo," suhestyon ko. "Tama. Oh, siya Pato, ikaw nang bahala sa dalawang Senyorita, ha? Ingatan mo ang mga iyan!" "Oo, walang problema, Badeth. Saan po ba tayo pupunta, Senyorita Aquilina?" tanong nito. Sinabi ko sa kanya n gusto kong bumili ng bag panglalaki. "Gano'n po ba? Dito tayo papasok. Maraming kagamitan dito." Mahigpit ang hawak namin sa kanyang kamay tapos noong makapasok na kami sa loob ng mall, hindi mapigilan ni Mildred ang mamangha sa nakikita. "Ganda!" bulalas nito. "Para kanino po ba ang bibilhin niyo? Sino po ang gagamit, Senyorita?" tanong ni Tiyo Pato. "Kaibigan ko po. kasing edad ko lamang po siya," sagot ko. "Ay, dito po tayo niyan." Naglakad kami sa pasilyo patungo ro'n sa seksyon ng mga bag panlalaki. "Eto, Senyorita. Mukhang bagay ito kay Edgardo," suhestyon ni Mildred. Namangha ako dahil nakapili na siya kaagad. Sumang-ayon ako sa kanya dahil matibay ang telang ginamit at tamang-tama ito sa katawan ni Edgardo. Hindi masyadong malaki, hindi rin maliit. "Bibilhan mo pa ba siya ng sapatos? Ay kaso hindi mo naman alam kung anong sukat ng kanyang paa." "Sa susunod ko na lang siguro siya bibigyan niyon. Sa ngayon, gamit na muna niya sa pag-aaral," wika ko. "Tiyo Pato! Wag niyo pong sasabihin kay Ina ang tungkol sa bagay na ito, please? Hindi niya po pwedeng malaman na ibibigay ko ito sa kaibigan ko na hindi ko katulad ng katungkulan. Alam niyo naman po si Ina, strikto pagdating sa mga taong kakaibiganin ko," pakiusap ko. Inunahan ko na para hindi ko makaligtaan. "Opo. Wag kayong mag-alala, Senyorita, nakatikom ang bibig ko," mabilis niyang sagot. Ipinagpatuloy na namin ni Mildred ang pagpili. Inabot ata kami ng tatlumpong minuto bago makalabas ng mall. "Bag, apat na papel, lapis, lalagyan ng lapis, pambura, ballpen, apat na kwaderno. Ayan ang ga pinamili natin ngayon, Senyorita Aquilina," pag-uulit ni Mildred. "Ano ka ba. Aquilina na lamang ang itawag mo sa akin. Masyadong mahaba ang Senyorita Aquilina. At isa pa, magkaibigan na tayo at hindi lang iyon. Kapag naaprubahan na ng korte ang legalisayon ng pag-aampon sa iyo ni Tiyo Apollonio, magiging magpinsan na tayo." "Naku! Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon!", "Ako rin." "Pasok na kayo sa loob ng sasakyan. Hintayin na lang natin dito ang inyong Nanay Badeth," ani Tiyo Pato. Isinakay na niya sa likod ang mga pinamili namin. Tapos kami ni Mildred, pumasok na rin. Habang naghihintay, nananalangin ako na sana'y wala pa sina Ina sa bahay pag-uwi namin dahil paniguradong makikita nila ang mga gamit na pinamili namin. "Bakit namamasa iyang kamay mo?" tanong ni Mildred. "Kinakabahan ako kasi baka nandoon na sina Ina. Mabubuking ako." "Eh...iyon lang. Pero malay mo wala pa naman. Magtiwala ka lang at magdasal na lang tayo. Kung hindi tumalab at talagang inabutan nila tayo, masama man, pero sabihin mo sa akin ang mga binili natin. Ipapatago ko lang sa iyo." Hindi ako sumang-ayon sa kanyang sinabi dahil masama iyon. "Gagawa ka naman ng kabutihan, kailangan mo lang magsinungaling para matuloy iyon." Hindi ko alam kung paano ako nakumbinsi ni Mildred ngunit bumigay na rin ako. Pero, iyon ay plan B lang naman namin. Sana naman ay dumating na si Nanay Badeth para makauwi na kami. Ilang minuto pa ang lumipas. Natanaw na namin iyon. Marami siyang bitbit kaya tinulungan siya ni Tiyo Pato. "Kanina pa ba kayo naghihintay? Pagpasensyahan niyo na. Medyo nahirapan akong pumili ng karne ng baboy at isda," depensa ni Nanay. Umiling kami ni Mildred dahil mainam na rin iyon. Nakapag-isip pa kami ng plano na gagawin namin kung sakaling sawiin. "Kumusta naman ang pamimili, Senyorita? Sakto lamang ba ang iyong salaping dala?" "Opo. May sobra pa pong sampung piso," wika ko. "Ilalagay ko na lang po ito sa bago kong alkansya para makapagpasimulang muli ng pag-iipo." "Tama iyan. Oh, siya. Halina at nang maihatid na natin ito si Senyorita Mildred." Umandar na ang sasakyan. Pagtingin ko sa aking relo, pasado ala-sais na ng gabi. Papalubog pa lang ang araw kaya wiling-wili naming pinagmasdan ang kulay kahel na kalangitan. "Wow! Ang ganda ano, Aquilina?" tanong nito. "Uhm..." "Sasama ka ba sa akin bukas?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko lang alam. Sabi kasi ni Tatay Apollonio, mamimili rin kami ng gamit ko. Kasi 'yong mga damit ng namatay nilang anak ay hindi naman na kasya sa akin." Tumango lang ako dahil nakakatuwang makita siyang gumawa ng ganyang ekspresyon. "May susunod pa namang pagkakataon. Alam mo ba, Mildred, balak ko ring bumisita sa bahay nina Edgardo, para malaman ko kung ano ang kanilang tinitirahan at para na rin makilala ko ang pamilya niya. Hindi ba, natural lang iyon sa magkaibigan? Ano sa tingin mo?" tanong ko sa kanya. "Hmmm...oo naman. Pero hindi ko alam kung maganda iyong ideya dahil una sa lahat, isa kang maharlika. Hindi ka man tunay na Prinsesa, ngunit mala-Prinsesa ang turing sa iyo ng mga tao. Siguro, kailangan mong ipagpaalam iyan kina, Don Felicio at Donya Salume. Hindi mo naman kasi masasabi ang ugali ng mga tao. Baka dumugin ka, mahirap na, Senyo--Aquilina." 'Yong sabik kong kaluluwa ay tila tumamlay noong marinig iyon mula kay Mildred. Wala naman akong paki sa kung anong iisipin ng mga tao kung nakisalamuha ako sa hindi ko katulad. Nais ko lamang malaman kung anong klaseng buhay mayroon sila. Pero, bilang isang Rimas, kailangan kong sabihin kay Ina ang bagay na ito. Sana naman, hindi siya magalit. Hindi pa ako handa... Naguguluhan ako. Bahala na ang Panginoon kung ano ang kalulugdan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD