DON IGNACIO Walang makakibo sa amin noong tanungin kami ni Aquilina. "Ayos lang kung hindi niyo masabi sa akin kung ano ang bagay na iyon. Tatanggapin ko naman kahit anong dahilan. Rerespetuhin ko naman iyon. Ahm, halina? Mamili na tayo ng susuotin ninyo," pambabasag nito ng katahimikan. Nag-aalinlangan kaming tumango. Pinigilan kong matawa sa itsura ni Basilio dahil namumutla ang kaniyang mukha. Habanng tinitingnan silang pareho ni Mildred, nakaisip ako ng pakulo. Ako ang unang tumayo, dahil mataas ang kumpyansa ko na hindi ako kadamay sa tampo ni Aquilina, kinuha ko ag bitbit nito't inaya na siya patungo sa sasakyan. Pinauna ko siyang maglakad dahil nilingon ko iyong dalawa at dinilaan. Walang pag-aalinlangan akong minura ni Basilio. Pasalamat siya't nakapasok na sa sasakyan si Aqui

