NAGING matagumpay ang operasyon nina Donya Salume at Donya Emiliana. Samantala, si Don Crisanto ay matatagalan pa sa Hospital dahil kinakailangang palitan ang kaliwa nitong bato na nagtamo ng labis na pinsala mula sa pag-atake ni Don Dante. Kasalukuyang naghahanap ng makukuhaan sina Ignacio ngunit bigong makahanap ng mapagbibil'han. "Bakit hindi na lang bato ni Crisostomo ang kuhain nattin nang sa gayon ay magkaroon man lamang siya ng pakinabang. Nakakalungkot nga lang, kung kailan wala na siyang buhay ay saka pa siya nakatulong sa atin," suhestyon ni Basilio. Nagpakawala ng mahinang tawa si Ignacio. Naisip na niya ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi niya sinabi bilang respeto na rin sa katawan ni Crisostomo. "Ano? Tutal pareho namang maitim ang kanilang budhi, paniguradong tatangg

