EUFRECINA "Nabalitaan mo na ba Upring iyong nangyari sa pamilya Valencia? Aba'y isang milyunaryo pala iyong nag-aral sa Estados Unidos. Hindi na ako magtataka kung susunod sa yapak ni Don Dante iyong batang iyon. Alam mo rin ba na hindi lang iyon ang narinig ko? Usap-usapan din ang paghawak ni Senyorito Basilio sa ubasan ng mga Valencia pati na rin ang negosyo nilang alak." Inasahan ko nang marinig ang mga salitang iyon dahil gaya ng sinabi ni Donya Salume, sa pagdating ni Basilio, makakarinig ako ng usap-usapan. "Hindi ka man lang ba nagagalit? Makukuha ng bunsong anak ni Dante ang buo niyang kayamanan at walang matitira sa iyong anak. Kahit na siya ang panganay, dapat mayroon man lang siyang parte kahit na papaano dahil isa pa rin naman siyang Valencia." Nagpakawala ako ng buntonghin

