KAPITOLO 15.5

1844 Words

EDGARDO "Gar! Nyor! Sama kayo sa amin. Liliban kami sa klase," alok ni Christoper. Naririto kami sa lilim ng puno, saglit na nagpapahinga dahil kakatapos lang naming kumain ng tanghalian.  "Bakit? Balita ko nga maraming liliban mamaya. May birtdeyhan ba? May pista ba sa kabilang baryo?" nagtataka kong tanong. "Hindi! May nagbibigay ng ayuda, sampung piso sa may malapit sa kanto." "Weh? Ang laki naman no'n, dalawang araw na ring sahod iyon. Bakit? Para saan?" muli kong usyoso. "Hindi ko alam para saan basta magsusulat lang daw ng pangalan tapos may pipirmahan. Ngayon din ibinibigay 'yong pera kaya ano...tara! Wala naman tayong pagsusulit ngayon." Tiningnan ko si Junior. Gusto ko siyang isama pero alam kong hindi ito papayag. Masyadong mahalaga sa kanya ang pag-aaral kaya hihingi na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD