"Sa harap ng hukumang ito, hinahatulan kita, Eufrecina Tungpalan ng apat na taong pagkakakulong sa salang pagtangkang pagpatay kay Aquilina Rimas." Sa loob ng malaking silid, mayroong dalawang klaseng nilalang. Isa na nagbubunyi at isa na nagluluksa. Ang pamilyang napapabilang sa tuktok ng tatsulok ang siyang laging nagwawagi, at ang nasa laylayan ang laging luhaan. Ganito ang takbo ng buhay. Kung ayaw mong maging apakan ng mga maharlika, kailangan mo ng maraming pera. "Hindi...Donya Salume! Maawa po kayo! Donya Salume!" Umalingawngaw sa kwadradong silid ang palahaw ni Eufrecina at ang iyak ng kaniyang pamilya. Humalik na ang maso ng hustisya sa kahoy na patungan. Kahit tapos na ang hatol, mayroon pa ring magagawa ang pamilya Tungpalan. Una, ang humiling kay Bathala ng kapatawaran at hi