AQUILINA "Iiwan ko na lang ulit dito ang pagkain mo, Senyorita. Kumain ka kahit kaunti, sige na anak. Ikaw ay magkakasakit kapag hindi ka pa kumain. Kapag nalaman ito ng iyong ina paniguradong mapapagalitan ka niya." "Edi pagalitan niya, doon naman siya magaling. Wag niyo na po akong intindihin, Nanay Badeth, sapat na ang sama ng loob at kalungkutan para manatiling nakatikom ang aking tiyan." Ito ang unang beses na sumagot ako nang pabalang kay Nanay Badeth. Dala kaya ito ng pagod? Puyat? Ng gutom? Hindi. Kusa kong piniling sumagot nang gano'n. "Kung pinakinggan mo lang sana ang banta ng iyong ina hindi ka sana nagkakaganito ngayon. Hindi mo kailangang makulong at magdusa." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako. Pagkasara ng pinto, bumulong ako sa hangin. 'Palagi akong