AQUILINA Minamahal kong kaibigan, Sa pagkakataong dumating ang liham na ito sa iyo ay naipadala ko na rin sa pulisya ang ebidensya't liham na magdiriin kay Don Dante Valencia. Ipagpaumanhin mo kung nagabihan nang masyado ang pagsulat ko sa iyo dahil kumilos na ang iyong ina. Marahil ay nakarating na sa kaniya ang banta na itinanim ko sa pangalan ng mga Ibarrientos. Ganoon pa man, hindi mabubuwag ang aking pangakong kasunduan sa iyo. Nakahanda ako at ang mga tauhan ko sa gagawing hakbang ng iyong ina at ng sino pa man. Wala ka na ring dapat na alalahanin, dahil matutuloy bukas ang planong pagligtas kay Basilio at sa kapatid nito. Kung may nais ka pang ipagawa sa akin ay wag kang mahihiyang lumapit. Nakahanda ako upang tulungan ka sa lahat. Hangad ko ang iyong kaligtasan... ang iyong k

