BADETH Sampung minuto na akong naghihintay sa pagdating nina Basilio ngunit wala pa rin akong nakikitang bakas mula sa kanila. Mahigpit ang hawak ko sa mga liham na nakita ko sa silid ni Donya Salume kagabi. Mabuti na lamang at mabilis kong naitago sa aking bulsa ang mga ito bago pa man nabuksan niya ang pinto kagabi. Labis ang takot ko noong mga sandaling iyon, tunay na tinulungan ako ng Diyos upang hindi mahuli. "Ayan na sila!" bulalas ko sa tuwa. Inilapag ko muna iyong hawak kong mga papel tapos tinungo ko kaagad ang pinto upang pagbuksan sila. Nalukot ang aking noo dahil hindi hindi ata sila nasisiyahan ngayong araw. May nangyari kaya bago sila makarating dito? "Magandang umaga po, Yaya Badeth," pagbati ni Mildred. Binati ko rin sila tapos bukas palad na pinapasok sa loob. "Mukha

