AQUILINA Alas tres na ng hapon. Nagpapahinga sa silid si Crisostomo, si Alfonso naman ay sumasagot crossword sa salas. Ito na ang tamang oras para isagawa ang planong pagtakas na walang atrasan. Kinuha ko iyong bulaklak na pinulot ko kahapon. Dahil tuyot na ang talulot ng bulaklak, napagpasyahan ko na lamang na ihalo ito sa tubig na iinumin. Ngunit bago ko iyon magawa, kailangan ko munang lumabas para kumuha ng maiinom. "May kailangan ka po ba, Senyorita?" tanong ni Alfonso noong buksan ko ang pinto. Nagulat ako dahil mukha niya kaagad ang bumungad. Akala ko'y nananalagi siya salas, hindi inaasahang tumatambay na naman siya rito sa labas ng aking silid. Mabuti na lang talaga at hindi ko binitbit iyong bulaklak dahil kung oo, paniguradong makikita niya iyon at sisipatin. "Kailangan ko n

