AQUILINA Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy na lumalapit sa akin si Basilio. Gusto niya bang makipagkaibigan sa akin? Pero bakit hindi niya sabihin? Noong nag-usap kami puro lamang tanong tungkol kay Edgardo ang lumabas sa kanyang bibig. "Senyorita? Hindi ka pa rin nagbibihis? Aalis na kayo maya-maya lamang." Natigilan ako sa paglalakad noong biglang pumasok si Nanay Badeth. "Ahm, opo. Magbibihis na po ako," wika ko. Nagpresinta itong tutulong dahil aayusin niya rin ang aking buhok. "Bakit mahaba ang iyong mukha, anak? Hindi ka ba natutuwa dahil naibigay mo na ang regalo mo sa iyong kaibigan? Wag mong sabihing hindi niya ito naibigan?" tanong ni Nanay. Umiling ako dahil hindi naman tungkol doon ang bumabagabag sa akin. "Nanay Badeth, ayaw ko po kasing umalis ng bahay. Alam ni