Ang baryo Milagrosa ang isa sa mga lugar sa Carmona na may malawak na lupa. Salat man sa pisikal na karangyaan ang lugar, sagana naman ito sa mga pananim, salamat sa mataba nitong lupa. Hindi na nakapagtataka kung maraming mayayamang pamilya ang nagnanais na lumipat, sapagkat magandang magpalago ng agrikulturang negosyo, ngunit bago pa man nila maatim ang tuktok ng hirarkiya, kailangan nilang lagpasan ang tatlong malalaking pamilya na siyang pinakamatagal na nangangalaga sa lugar. Ang Pamilya Rimas na pinamumunuan ni Don Felicio at sinusuportahan ni Donya Salume. Kilala sila sa kanilang ekta-ektaryang lupain. Taniman ng tubo at palay ang siya nilang pinagkukunan ng salapi. Bago sila mailuklok bilang pinakamakapangyarihan sa buong baryo, sila ay buhat sa pinakalaylayan. Ipinanganak si Don