CRISANTO "Iyon lang ang nakuha mong impormasyon? Ang laki ng binayad ko sa iyo para tiktikan ang mga Rimas tapos iyon lang! Ako ba'y niloloko mo?!" Nilamukos ko ang papel na ibinigay sa akin ng kapatid ni Emiliana tapos itinapon iyon sa mukha niya. "P-Paumanhin po, Don Crisanto ngunit sadyang mailap ang mag-asawa. Marami rin po siyang bantay kaya--" "Inutil! Iyon ang sabihin mo. Isa kang inutil at walang silbing tao! Paanong maraming tauhan? Si Apollonio lang ang kasama nila tapos sasabihin mo, marami?!" "Crisanto, ang iyong puso. Huminahon ka!" Padabog kong inalis ang kamay ni Emiliana sa aking balikat. Pinandilatan ko siya ng mata upang malaman niya kung ano ang kanyang ginawa. "Pareho kayong mangmang! Hala! Lumayas kayo sa aking harapan at baka hindi ako makapagtimpi, mahataw ko k