BASILIO Bakit kaya hindi siya sumunod sa utos ko? Tsss... Hindi ako mapakali habang naglalakad kami patungo sa kung saan. Mukhang hindi rin nila alam kung saan kami pupunta dahil kanina pa nila inililinga ang kanilang mga mata. "Magtanong-tanong kaya tayo, Aquilina? Baka naman kilala siya ng mga tao rito, ano sa tingin mo?" suhestyon ni Mildred. Inirapan ko ito noong tumingin siya sa akin. Kanina pa siya nakakapit sa braso ni Aquilina. Tuko ata siya bago siya naging tao. "Sino ba kasi ang pupuntahan natin? Bakit nandito tayo? Nasa gilid tayo ng palayan kaya paniguradong mahihirap ang naninirahan dito. Kamag-anak mo ba, Mildred ang dadalawin natin?" tanong ko. Nanlaki ang kanyang mga mata. "Huh? Si Edgardo ang hinahanap namin. Nakita ko siya dito dumaan kaya akala ko dito siya nakatira