MILDRED "M-May kailangan lang akong ayusin. Wag niyo na akong hintayin at matulog na kaagad, lalo ka na, Mildred." Nagmamadali itong lumisan sa hapag kainan. Pinaghirapan namin ni mama lutuin ang paborito nitong ulam para kahit papaano ay gumaan-gaan naman ang hangin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit hanggang ngayon, kahit anong pagsisikap ang ipakita at ibigay ni mama, balewala iyon dahil si papa na mismo ang kusang lumalayo. Hindi man iyon intensyunal, napakabastos pa rin na bigla-bigla na lang siyang aalis habang kami ay kumakain. At sa ganitong oras, paniguradong wala naman na siyang trabaho kaya para saan ang kanyang pag-alis? Nahulog ang kubyertos na hawak ni mama, nakatulala itong nakatingin sa kanyang pagkain. "I-Ipagpatuloy na lang po natin ang pagkain, ma. Napakasarap pa naman