EMILIANA "Nasaan ang asawa ko?" tanong ko sa katulong na abala sa paglilinis ng mga naka-display na picture frame sa lamesa. "Maaga pong umalis, dadalawin po ang Senyorita." Tumango ako ng tatlong beses, medyo natuwa dahil magkakaroon ako ng pagkakataon para makapunta sa bayan. Nais kong bumili ng bagong damit dahil lahat nang mayroon ako ay nasuot kona. Nakakahiya naman kung makita ng mga tao, sabihin pa nila na wala akong pambili. "Saan po kayo pupunta?" tanong nito sa akin. Tumaas ang isa kong kilay dahil wala akong narinig na paggalang sa kanya. "Pakiulit? Sino sa tingin mo ang kinakausap mo?" Ibinaba ko ang aking mamahaling bag, lumapit sa katulong. Hindi ito nagpakita ng takot na mas lalong nagpagalit sa akin. Nahihibang na ba siya? Hindi niya ba ako kilala? Baguhan lamang ba