EUTEQUIA Balot pa ng hamog ang paligid. Maaga akong ginising ni Dante upang sunduin ang anak namin dahil kailangan nilang magpunta sa Hospital kung saan nakalagak ang unica ija ni Don Crisanto. Akala ko, dahil sa napag-usapan namin kagabi, pinapayagan niya akong magsundong mag-isa, ngunit biglang nagabago ang kanyang isip at nagpresintang siya ang magmamaneho ng sasakyan. "Ako na lang ang lalabas," wika koo noong makarating na kami. Tiningnan niya lang ako, hindi kumibo. "M-Magbabalik ako nang madali," dugtong ko pa upang patayin ang namumuong hinala sa kanyang mga mata. Huminga ako nang malalim, tinanggal ang seatbelt. Bago ako bumaba, inangkin ang magkabila nitong pisngi at ginawaran siya ng mabilis na halik. Niyakap ko ang aking katawan dahil sa lamig. Pumasok ako sa tarangkahan