BASILIO Ilang minuto na ba akong nakatingin sa kisame? Sampu? Dalawampu? Nakabalik na ako sa bahay, ngunit paano iyon nangyari? At ano itong rehas sa aking gilid? "Nagising ka na rin sa wakas?" Muli kong ipinukol ang aking mata sa gilid at nakita ko si Criscentia na nakasuot ng mahabang bestida. Hindi naman siya mahilig sa ganoon pero iyon siguro ang isinusuot kapag buntis ang isang babae. "Anong ginagawa mo rito?" walang buhay kong tanong. "Tinatanong pa ba iyan, Basilio? Dinadalaw ang magiging kapilas ko habangbuhay. Pasensya ka na kung kinakailangang gawin sa iyo ito ni Don Dante, maski siya ay binabagabag ng konsensya gayong narito ka sa loob, nakakulong." "Imbes na magpunta rito at bulabugin ang buhay ko, bakit hindi mo na lang sunduin kung sino man ang ama niyang dinadala mo n

