EDGARDO Kakamulat lamang ni haring araw ngunit aligaga na kaagad ang aking mga magulang, pangalawang magulang. Nilapitan ko si Donya Eutequia upang tanungin kung ano ang nagaganap dahil masyado ata siyang maraming iniimbak na gamit sa malaking maleta. "Ano po ang inyong gagawin riyan, Donya Eutequia? Kayo po ba ay magbabakasyon?" magalang kong tanong. Napagkasunduan namin na hindi magbabago ang pagtawag ko sa kanya dahil lamang sa anak ako ng kanyang asawa. Tama naman na hindi niya ako kadugo kung kaya't nararapat na manatili ang paggalang ko sakanya bilang isang Donya. "Hindi pa ba sa iyo nasasabi ng iyong ama? Sa susunod na mga araw ay mangingibang bansa si Senyorita Criscentia. Dadalawin niya ang iyong bunsong kapatid. Inilalagay ko rito ang mga ipapadala ko para kay Basilio. Nais ko