DONYA SALUME Dalawang araw na lang at matatapos na ang buwan. Hanggang ngayon ay naririnig ko ang usap-usapan ng pag-uwi ng mga Valencia. Puno ng tarpolin ang tarangkahan ng kanilang bahay. Pati puno ay pinalagyan din ng mga Ynarez. Palibhasa'y nalalapit na rin ang botohan, todo kayod ang pamilya ni Eutequia na manatili sa kani-kanilang pwesto. Isa ngang magandang kombinasyon ang Ynarez at Valencia. Salamat sa salapi mula sa politika, hindi masyadong naapektuhan si Don Dante noong sinubukan ko silang pabagsakin pareho ni gurang Crisanto. Pero masaya pa rin ako dahil hindi na makakabalik pa ang mga Alvarado sa kanilang dating pwesto. panghabangbuhay na silang magiging lumpo sa lipunang ito. Tama lamang iyon sa kanila. "Mukhang lahat ay nananabik sa pagbalik ng heredero ng mga Valencia.

