CRISOSTOMO Kakarating ko lamang sa bahay ng mga Alvarado. Nadatnan ko ang ina ni Criscentia na naggagantsilyo kaya kaagad ko siyang binati. "Magandang umaga po." "D-Don Crisostomo! Magandang umaga sa iyo. Halika't maupo. Ano po ba ang inyong ipinunta rito? Nais niyo po bang makausap ang aking asawa?" Kumpara sa dati, mas naging simple si Donya Emiliana. Nawala na ang palamuti na laging nakasabit sa kaniyang katawan. Paniguradong pati iyon ay ibinenta nila upang maipangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kahit ang loob ng kanilang malaking mansyon ay napuno na lamang ng maraming espasyo. Nawala na ang bakas ng karangyaan at tila isang malaking bodega na lamang kung titingnan. "Ipagpaumanhin niyo po ngunit hindi po si Don Crisanto ang ipinunta ko rito. Inaasahan ko pong

