MILDRED "Para sa inyong takdang-aralin, gawin niyo ang gawain sa pahina tatlumpu't pito ng inyong libro. Ipapasa niyo iyan bukas, maliwanag? Naniniwala ako na nakapili na kayo ng mga makakagrupo niyo. Tatlong myembro kaya wala akong maririnig na rason kung bakit hindi kayo makakapasa bukas. Iyon lamang sa ngayon, paalam mga bata." Nagsipagtayuan na ang lahat ngunit nakatulala pa rin ako sa unahan. Hindi ko alam kung uuwi ako ngayon sa bahay dahil sa nangyari kina mama at papa. Anong gagawin ko? Makikiusap na lang siguro ako kay Aquilina na sa kanila muna ako matutulog. Pero baka mahalata iyon ni papa at magkaroon siya ng ideya na narinig ko ang pagtatalo nila kagabi. "Mildred, ayos ka lang ba?" Doon lang naputol ang aking pagmumuni-muni. Tumango ako, tatlong beses at mabilis iyon. Hum