CRISCENTIA Simula noong magkaroon ako ng isip, lagi kong naririnig na isa akong pinagpalang bata. Yaman, kapangyarihan, sa murang edad, hawak ko na iyong lahat. Itinatak ng mga magulang ko sa akin na walang sinuman ang maaaring umapi sa akin, na kaya ko ang lahat at walang imposible sa akin. Pinaniwalaan ko iyon, pinanghawakan hanggang ngayon. Hindi sila nagkamali, nunka kong kinuwestyon ang kanilang salita. Hindi hanggang sa magkrus ang landas namin ni Aquilina. Noong una, wala naman talaga akong pakialam sa kanya dahil ang tingin ko lang sa kanya ay katulad ng iba, isang kasangkapan. Ngunit noong malaman ko ang tungkol sa kanyang pamilya, gumuho ang mundong tinutungtungan ko. Ang paniniwalang ako ang pinakamkapangyarihan, ako ang pinakamayaman nalusaw sa isang iglap. Unti-unti niyang