SALUME "Ina!" malakas na tawag ni Aquilina na kakarating lang. Kaagad ako nitong hinagkan, mahigpit. "Anong nangyari? Bakit namumula ang mga mata mo? May umaway na naman ba sa iyo?" tanong ko. Kumalas ito, umiling. "Ayos lang po ako. Pero kayo? Nabalitaan kong inakusahan na naman po kayo." Ngumiti ako dahil masyadong mabilis ang balita, at ultimong ang anak ko ay hindi nakalagpas doon. "Siyang tunay. Ngunit, Aquilina, wala kang dapat na alalahanin. Walang hindi kaya ang iyong ina, alam mo naman iyon, hindi ba?" tanong ko. Tumango man ito ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Tahan na. Magbihis ka na roon at kakain na." Bago ito magtungo sa kanyang kwarto, niyakap niya akong muli. Hays. Mukhang kailangan kong maghinay-hinay. Ayaw kong dumating sa punto na