KAPITOLO 21: MALING AKALA

1451 Words

EDGARDO Makulimlim ang kalangitan, mukhang nagbabanta ang ulan. Wala man akong dalang pananggalang, hindi ako natinag. Kailangang maisiwalat ko kay Aquilina ang narinig at nakita ko kanina. Bahala na kung mas lalo siyang magalit sa akin kapag nalaman na sinisiraan ng ama ni Basilio ang kanyang ina.  Hindi man maniwala sa akin ngayon si Aquilina, hindi rin magtatagal at makakarating sa kanya ang katotohanan. Mapagtatanto niyang totoo ang aking sinasabi, kapagka nagkagano'n, posibleng bumalik ang tiwala niya sa akin. Bumukas na ang tarangkahan ng paaralan, nagsilabas na ang mga mag-aaral. Itinuon ko ang aking atensyon sa paghahanap sa mukha ni Aquilina. Kunsabagay, hindi naman ito kaagad makakaalis dahil wala pa ang kanyang sundo.  "Ano 'yon, opisyal niyo na bang gagawing tambayan iyon,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD