Ika- dalawampung Tagpo SELENA ZARAGOZA DUMATING na ang araw na hinihintay namin ni Simon. Abala ang mga aswang sa nalalapit na ritwal. Nagdadasal sila sa mga bungo gamit ang kakaibang lenggwahe, samantalang ang ibang aswang naman ay gumagawa ng entablado. Doon ata nila ako balak i-alay, sa gitna ng entablado ay may upuan at sa harap no'n ay isang lamesa kung saan may nakalapag na tabak. Pumasok sa aking kulungan ang isang aswang na nagngagalang Benjamin. "Kailangan mo ng linisan para sa pagdidiwang mamayang gabi. Papahirapan muna kita ng espesyal na langis upang gumaling ang mga sugat at bali mo, " giit n'ya sa akin. Umupo siya sa harap ko at saka hinawakan ang mukha ko. "Napakaganda mo palang tunay kaya ka minahal ni Simon," giit n'ya sa akin. Pabalya kong inilag ang mukha ko upang ti