Ika- dalawampu't isang tagpo JUANITO DELGADO ANG kuta ng mga aswang nasa isang tagong parte ng bundok sa may bundok Arayat. Napapalibutan iyon ng mga bundok at puno at kung tutuusin, masyadong maraming aswang ang nakatira doon. Saan... Saan kaya maaring tinago ni Simon ang asawa ko? Alam kong itatago n'ya ito sa lugar kung saan 'di mahahawakan ng ibang aswang ang asawa ko. Nakakunot ang noo ko habang nag-iisip pabalik sa aming tahanan. Nakatakda na kaming sumugod bukas sa mga kuta nila kaya ihahanda ko na ang aking mga b***l at buntot ng paging. Muli tayong magkikita Simon at mapapatay na kita. Ipapakita ko kay Selena kung anong klaseng halimaw ka at kapag napatunayan kong mamatay tao ka. Alam kong mawawala ng tuluyan ang nararamdaman niya para sa iyo. "Ginoo..." isang babae ang nagsa