Huling Tagpo SELENA ZARAGOZA Makalipas ang limang buwan... "SEÑORITA, malapit na po tayong dumaong sa pantalan," giit sa akin ni Rita. Mahina akong tumingin sa bintana ng barkong sinasakyan ko. Liwanag, 'di ko alam kung bakit pa rin ako nabubuhay mula ng mangyari 'yon. Inilagay ko ang aking kamay sa aking tiyan, sa loob ng ilang araw ay maari na akong manganak, isa ito sa dahilan kung bakit minadali ni Juanito ang pagpunta namin sa Estados Unidos. Napapikit ako, tama, nangako ako kay Simon na mabubuhay ako para sa batang dinadala ko. "Aking Selena, kumusta na ang nararamdaman mo?"Pumasok si Juanito sa aking kwarto at saka umupo sa aking tabi."At ikaw, maliit na ginoo, kumusta ka rin d'yan?" mahinang sumipa ang bata sa aking tiyan. Hinawakan ni Juanito ang aking kamay ngunit inilag ko