Chapter 38 TOMMY Halos tulala pa siya nang lumabas sa elevator dahil sa hindi niya inasahang pagwawala ni Genesis nang tangkain niya iyong iwan sa isang bahay na pinagdalhan niya. Allissa helped him and the house was owned by the woman. Naroon ang mga private nurses at ang mga duktor na babayaran niya para tumingin sa asawa niyang hindi niya alam kung totoo ba na may tama sa pag-iisip o baka inaartehan lang siya. She was fine while they’re traveling back to Philippines. May sariling cabin si Genesis sa eroplano niya at naroon ang mga duktor nito na hindi biro ang ibinayad niya para sumama, at pati pabalik sa America ay sagot din niya. Sinisilip lang niya ang asawa at kinakamusta, pinakikinggan ang mga iyak at kwento pero hindi na niya hinayaan na maulit pang halika