Chapter 37 BRIE NEGATIVE. Iyon ang resulta ng PT niya matapos niyang makaramdam ng p*******t ng puson kanina. She decided to ask Mariana and her friend told her that she must test her urine sample. And now she has spotting. Parang nalungkot din siya na negative ang resulta ng test at baka ang food cravings niya ay dala lang ng kanyang paparating na regla. Kahit na naiinis siya kay Tommy, gusto pa rin sana niya ng baby. Nakasimangot siyang lumabas ng banyo at papadabog na nagmartsa papunta kay Mariana, na kumakain naman sa harap ng mesa. “Uh? What’s the matter, Miss Congeniality?” anito habang pinagmamasdan ang bugnot niyang mukha. “Wala pa?” Brie shook her head and grabbed a spoonful of pork and beans. Isinubo niya iyon at hindi siya nakuntento kaya sumubo p