MAKALIPAS ANG ILANG buwan nabalitaan ni Noah na pumanaw na si Aling Lagring. Nawalan na si Noah ng balita pa kay Leandro. Si Manolito naman ay makailang ulit niyang pinuntahan sa Rizal ngunit bigo siyang matagpuan ito. Hindi niya pa rin sumasagot si Paloma kahit isa sa mga liham na pinadala niya rito. Binabalak ni Noah na puntahan ito sa Japan sa oras na isama siya ng ama sa pakikipanayan nito sa mga dayuhang negosyante. Naging malapit si Ethan kay Josie. Ngunit gusto pa rin ni Noah kasama-sama ang anak sa trabaho. Pinaayos ni Norberto ang bakanteng opisina sa palapag ng kaniyang opisina. Pinagawa niya iyong playroom para kay Ethan. Pinaglagyan niya ito ng maraming laruan at malaking telebisyon. Nagpasadya pa siya ng higaan na korting kotse. Ibinigay ni Norberto ang lahat kay Ethan. Lahat