NAGBALIKTANAW SI NOAH sa binatawang pangako nilang magkakaibigan. Isang pangako na kailanman sila lamang ang nakakaalam. Isang pangako na marahil ay katulad sa kaniyang Imang. Isang lihim na siguro’y ganoon na rin lang pakahalagahan ng kaniyang ama. Halos apat na taon na ang nakakalilipas. Bigla na lamang naglaho si Molly matapos itong umuwi sa mga Verdadero. Wala ring alam si Leandro sa nangyari sa pinsan nito. ANG NAKARAAN . . . Ilang araw matapos makapanganak. Umuwi si Molly sa bahay ng kaniyang tiyohin, si Don Fausto sa mansion ng mga Verdadero. “Molly, ba’t nandito ka? Nasaan ang apo ko?” tanong ni Fausto sa pamangkin na nanghihina pa. Maputla ito at tila nangangayayat. “Can you call my dad?” aniya. Hindi iyon paki-usap bagkus tono na pawang inuutusan ang tiyohin nito. “Bakit? Ma