BINUHAT NI NOAH si Ethan papalabas sa silid laruan nito sa palapag kung nasaan ang opisina ni Norberto. "Noah! Bumalik ka rito!” sigaw na pagalit ni Norberto. Naki-usap si Noah kay Norberto na ‘wag ipapaalam sa mga empleyado ang kaugnaayan nilang dalawa. Ngunit nalaman ni niya ang ang napipintong selebrasyon ng anibersaryo ng NDI. Binabalak ni Norberto ipakilala ang anak sa publiko. Mahigpit iyong tinutulan ni Noah na hindi niya masasabi sa ama kung bakit. Kung sakaling malathala ang kaniyang pagkatao sa publiko masusundan siya ng mga Waray at SSS Gang. Malalagay sa panganib ang buhay ni Ethan. Walang alam ang kaniyang ama sa mga pinasok niyang ilegal na gawain bago pa man siya natigil nang ipanganak si Ethan. Kaakibat noon sa paglalahathala ng pagkatao niya ay maisasapubliko rin ang