Kabanata 38: PANANAGUTAN

1384 Words

MAY PAGBABANTA SA tinuran ni Josie. Kapag kaniya ay kaniya. Sina Noah at Ethan ay para sa kaniya. Ayaw na ni Josie na bitawan kung anumang namamagitan sa kanila ni Noah ngayon. Kung hindi sana siya natigil noon. Hindi niya sadyang ihinto ang kaniyang pantasya kay Noah kundi natigil iyon at natuon sa iba ang kaniyang pansin. Sa isip niya basta hindi pa asawa ni Noah ang babae may pag-asa pa siya. Wala siyang pakialam kung may anak na ito sa iba. Tila isa iyong obsesyon. Kailangan mapasakaniya si Noah. Kaya nang makita niya ito sa mansyon ginawa niya ang lahat mapansin siya nito. Kinaibigan niya si Noah hanggang sa naging malapit na sila sa isa’t isa. Laking tuwa ni Josie ng umamin si Noah kinagabihan. Kaya isinuko niya na ang sarili bago pa ito mawalan ng interes sa kaniya. Wala siyang pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD