MAKARAAN ANG DALAWANG buwan matapos makabalik ni Josie galing Paris wala pa ring balita sa napipintong transaksyon ni Gambino. Nawawalan na ng pag-asa si Manolito na makita pa ang kaniyang mag-ina ng tumawag si Adam kay Noah . . . “Sa Sabado. Alas-diyes ng gabi may magaganap na transaksyon sa Santa Monica. Ipapadala ko sainyo ang saktong lugar.” “Sigurado ba ang tagpuang ito? Baka katulad sa mga nakaraan?” “Sigurado, Noah. Walang mintis,” sagot ni Adam. “Kumusta si Papa, Adam?” “Magaling na ang iyong, Papa. ‘Wag sana kayong mabibigla sa makikita ninyo sa Sabado. Ihanda ninyo na ang mga tauhan. Naayos ko na ang lugar na maaring mong ligtas na itago si Ethan.” “Si Ethan, paano si Josie?” “Isasama ninyo si Josie, Noah. Mahalaga ang magiging parti niya sa magaganap na palitan.” “Palita