ILANG MINUTO PA ang lumipas. Nawala na isa-isa ang mga kalalakihan sa may bar. Hudyat na pumasok na ang mga ito sa private lounge kung saan magaganap ang bidding. Sumunod na si Noah sa mga ito. Naroon na si Manolito na hindi mapakali ng makita si Josie sa mga nakahilirang kababaihan na nakasuot lamang ng damit panloob. “Strip!” Dumadagundong na sigaw ng pamilyar na boses kay Manolito. “Leandro— “ Halos maibalibag ni Manolito ang upuan sa harap nito ng makita si Leandro. Napigilan naman ito agad ni Noah.”Lito, kumalma ka. Mapaghahalata tayo sa kinikilos mo.” “Paano ako kakalma? Sigurado akong siya ang nadala rito kay Paloma.” “Kailangan mong maging alerto sa pagsigaw ni Paloma. Itatakas mo siya Manolito. Ako ang bahala kay Josette.”