Kabanata 6: NILAMAT NA TIWALA

1445 Words
BUKOD NA PINAGKAKATIWALAAN ni Noah ang kaibigang si Manolito sa lahat. ‘Di lang dahil ay kapwa sila laki sa hirap kundi dahil halos parehos ang kanilang pinagdaraanan sa buhay. Lubos at buo ang pagtiwala niya rito na pawang kapatid at kapamilya.  Malaki ang pagkilala ng utang na loob nito sa kaibigan. Si Manolito ang nakatuwang niya sa lahat ng mga pasakit na kaniyang pinagdaraanan sa buhay. Alam ni Noah na mababaw na dahilan na putulin ang ugnayan sa kaibigan ngunit pangarap niya ang winasak nito. Alam na alam ni Manolito kung para saan ang pera. Iyong salaping malilikom sana nito ang magiging daan upang makaanggat sila ng antas sa lipunan. Subalit wala na. Babalik na naman si Noah sa simula. Maghahanap na naman ng paraan.  Mabuti na lamang at pinagbigyan na siya sa wakas ni Dixson Samañiego na makipagpanayam sa kaniya.Halos ilang buwan rin siyang nagpabalik-balik sa opisina nito. Alam ni Noah na  mas may magaling na kinabukasan ang kaniyang imbensyon sa kamay ng SamTel. Tinawagan agad ni Noah kahapon ang kaibigang si Leandro upang maghiram ng desente at propesyonal na damit para sa panayam niya sa CEO ng SamTel. Saktong pauwi pa lamang ito galing Laguna. “Amboy, anong atraso nitong si Lito sayo, huh?” tanong ni Makisig. “May hindi lang pagkakaunawaan,parekoy.” “Ah, sige. Ganoon ba? Maiwan na naming kayo,” paalam nito.  “Salamat parekoy,” sagot ni Noah habang mahinang tinapik sa balikat si Makisig          Malaking bulas at kinatatakutan sa iskinita dahil sa maladiablo nitong tattoo sa buong katawan at ang hikaw nito sa ilong na mukhang salingsing (nose ring) ng kalabaw. Malahigante at dambuhala ito kagaya ng mga bouncer sa mga night club. “Parekoy, may mga ipapaayos nga pala ako sayo. Kaya pa ba?” tanong nito. “Oo. Iwan mo lang sa bahay. Bukas mo na ng hapon balikan. May lakad ako ngayon.” Binitawan na nito si Manolito at tumalikod na kasama ang ibang tambay. Ibinaba naman ni Noah si Ethan. ”Anak, takpan mo ang iyong tainga at ipikit mo muna ang iyong mga mata,” bulong niya rito. “B-ba-tit, Papa?” “Sundin mo na lang si Papa, anak.” Tumango-tango ito at tumalima. Kapagkuwan ay malakas na suntok ang nagpabulagta kay Manolito sa lupa. “’Tol!” sigaw nito hawak-hawak ang pumutok na labi. “Kulang pa ‘yan sayo. Tarantado ka, Manolito!”  Hindi siya perpekto kagaya ng ibang mga taga iskuwater ay may tinatago rin siyang kabolastogan. Marahil ay karma na iyon sa pagtakas niya ng gadyet kay Simon. Hindi siguro inayon ng Maykapal na gumamit siya ng pera na nagmula sa nakaw. Ngunit hindi salapi ang usapan kundi ang tiwala na nagkalamat na. “Noah, pasensiya ka na.” “Pasensya na? Ilang linggo mo akong pinaghintay ni hi ni ho.Wala?” “’Tol, ‘di ko alam kung paano ko sasabihin sayo.” “Tinaggap mo. Nangako ka, Lito.” “ Eh, naipatalo ko sa sabong iyong pera mo.” “Naknampucha, Manolito!” sigaw ni Noah habang nakukuwelyohan ang kaibigan.”Pinagkatiwalaan kita. Dangan ‘di ka man lang nagpakita. Alam mo kung para saan ang pera na ‘yon! ‘Di ba?” “Hindi ko sinasadya. Gagawan ko ng paraan,’tol. Pangako.” “” Wag na! Huwag mo ng gawan ng paraan.” “”Tol, naman. Patawad na. Patawarin mo na ko. Babawi ako sayo.” “Manolito! Pangarap ko? Magandang bukas ng anak ako ang nakasalalay sa salapi na nilustay mo!” “Gagawan ko nga ng paraan, ‘tol.” “Mula sa araw na ‘to. Pinuputol ko na ang anumang ugnayan ko sayo. Huwag na ‘wag mo na akong tawaging utol kailanman. Hindi bagay sayo ang maging kapatid ko!” “’Tol, naman, pera lang ‘yon. Ipagpapalit mo ba ang samahan natin?” “Pera lang? Hindi iyon salapi lamang. Hindi dahil sa pera, Lito. Tiwala. Winasak mo ang tiwala ko sayo!” “Noah, patawad,” pagsusumamo nito hawak ang pumutok na labi na panaka-nakang pumapatak ang dugo. “Papa, di-dilat na Ethan?” “Tara na,anak.” “Papa, ba-ba-tit du-dugo bibig, ninong?” “Natapilok,anak. Papasanin ba kita o maglalakad ka na?” “Tabayo,” sagot nito na ibig sabihin ay mangagabayo at sasampa sa likod ng ama. “Oh,siya pasan na sa likod ko. May lakad si Papa ngayon anak.’Wag magkukulit kay Imang, Ethan. Naiintidihan mo ba?” ani Noah habang nakasukbit ang maliliit na braso ng anak sa kaniyang leeg. “Opo, Papa.” Pagkaraan ng ilang sandali. Humabol si Manolito kay sa kaibigan. Patakbo-takbo itong nakipagsiksikan sa iskinita. “’Tol, wala naman iwanan. Ikaw na lang ang pamilya ko. Huwag ganito, Noah” Nakipagsabayan itong maglakad hanggang tumigil si Noah at hinarap siya. “Sana naisip mo ‘yan bago mo ginawa ang iyong pagkakamali.” “Patawad na. Babawi ako sayo. Sainyo ni Ethan. Buong buhay ko pagsisilbihan kita. Huwag lang ganito Noah.” “Sana dumating ang araw na mapatawad kita. Ngunit sa ngayon ang pagkakaibigan natin ay may lamat na. Nilamat na ang tiwala ko sayo, Manolito.” * * * TULUYAN NG INIWAN ni Noah si Manolito. Bagsak ang balikat na naglakad ito pauwi. Paano niya ba sasabihin na ginamit niya ang pera para kay Paloma? Hindi dahil natalo sa sabong. Paano niya naman ipapatalo sa sabong ni hindi siya marunong mag-pares-pares sa baraha. Sabong pa kaya? Hindi man lang iyon napansin ni Noah. Iyon pa lang sana naisip na nito na nagsisinungaling siya. Paalis na si Paloma papuntang Japan parang maging entertainer. Si Manolito lamang ang nakakaalam noon. Alam nito na hindi papayag si Noah at lalong hindi sasangayon si Leandro. Nakapagipon naman ang kaibigan ngunit hindi sapat ang naitatabi nitong pera sa hinihingi ng ahensya para maging isang japayuki. Magtatrabaho ito bilang pole dancer at singer sa isang magarang club sa Osaka. Naisip ni Manolito na kapag pinagamit niya ang pera na malilikom galing sa cellphone naibenta. Makakalis na si Paloma. Sapat iyon sa kailangan na placement fee para makalipad na papuntang Japan. Kung magkakataon madali na lamang nitong maibabalik sa kaibigan ang pera at makakatulong pa sa imbensyon nito. Usapan nila iyon ni Paloma. Susunod siya rito matapos niyang makompleto ang kaniyang papeles. Ngunit nagkandaletse-letse ang lahat. Nagpa-iwan si Paloma para magpaalam kay Leandro. Ang inakalang tulog na dating kasintahan ay may kasiping na iba. Walang karapatan si Paloma magalit ngunit sinugod niya pa rin ang mga ito.   Walang kaalam-alam ang mga Verdadero sa pagtatalo ni Paloma at Leandro. Pinaalis ni Leandro ang babaeng kalantari nito at hinarap ang dating nobya. Ngunit hindi umalis ang babae bagkus ay sinugod si Paloma. Iniwan ni Paloma si Leandro na mukhang wala sa sarili. * * * HABANG NAGLALAKAD PAUWI nagbaliktanaw si Manolito sa pangyayari madaling araw matapos ang kaarawan ni Leandro. Ayon kay Paloma nang makita siya ni Aling Lagring na paalis ng mansion na tumatangis. Hindi nito nasaksihan ang pagpilit ni Leandro na sumakay siya sa sasakyan nito. Sinundan siya ni Leandro ng palihim habang naglalakad pauwi at sapilitang ibinalibag papasok ng sasakyan  Madaling-araw ng sumampa si Paloma papasok sa kuwarto ni Manolito na parating iniiwang bukas ang bintana. Duguan ito at nanghihina. “Anong nangyari sayo, Paloma?” tanong ko rito ng maalipungatan ako sa pagbagsak nito sa papag. “Na-napatay ko si Arlene, Lito,” sagot nito na nanginginig. “Paano nangyari? Saan ka ba galing?” “Nakita ko si Leandro magkasiping sila. S-sinugod ko sila. Pinapili niya si Leandro. Ako ang pinili. Nagalit at sinugod ako.” “Pagkatapos?” tanong ni Lito. “Umalis na ako. Iniwan ko na sila. Ngunit sapilitan akong sinakay ni Leandro sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan iyong bahay na pinagdalhan niya sa akin. Pinilit niya akong makipagtalik sa kaniya. Bumigay ako. Hinayaan ko siyang baboyin ako. Mahal ko siya kaya binigay ko ang sarili ko sa kaniya.” “Sigurado ka ba sa sinasabi mo, Paloma? Hindi magagawa sayo iyon ni Leandro. Mahal na mahal ka niya. Hindi ko man siya gusto para sayo ngunit alam ko hindi kaya niya kayang lapastanganin.” “Alam ko. Hindi naman iyon panggagahasa. Kusa akong nakipagtalik sa kaniya matapos niya akong pilitin.” “Hindi kita maintindihan sabi mo pinilit ka?” “Oo, pinilit niya. Pero kinalaunan kusa akong sumiping kay Leandro.” Para iyong punyal na tinarak sa puso ni Manolito. Gabi-gabi niyang binabantayan si Paloma sa Pegasus upang walang magsamantala rito. Hatid sundo niya ang kaibigan sa night club. Lingid iyon sa kaalaman ni Noah at Leandro. Bakit hindi siya nito magawang mahalin higit pa sa pagiging kaibigan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD