MAY NARARAMDAMAN MANG hinala si Noah isinantabi niya na lamang ang kaniyang agam-agam. Lalong lumakas ang pintig ng kaniyang puso. Pakiwari niya’y si Josie ay si Bloom. Ngunit nag-aalinlangan siyang tanongin ito. Nagkikita pa lamang sila. Hindi siya gagawa ng kahit anong hakbang na ikasasama ng loob ng kaniyang nobya. Gustohin niya man usisain kung bakit nito kilala si Dixson Samañiego nagbago ang isip ni Noah. Kilala niya ang kaniyang kasintahan. Kusa itong nagtatapat ng katotohanan. Hihintayin niya ang oras na iyon.Ramdam niyang marami pa itong gustong sabihin sa kaniya. Marami pa silang kailangang pag-usapan. “Mahal, susunod ako. Mauna ka.” “Maaring bang sa silid na lang tayo ni Ethan matulog? Na miss ko ang anak natin, Noah.” “Oo, naman.