NANG MAGING SINTIGAS ng yelo ang serpyente. Ginamit ni Skye ang kaniyang espada upang putulin ang apat na ulo nito. Iyong apat na mga ulo ay isa-isang pumatak sa lupa at namukadkad ang apat na kastilyo. Bumungad sa kanilang lima ang matatayog na moog. Namangha ang apat sa ganda ng kahariang natatanaw nila sa apat na sulok ng Imperium. Ang mga kahariang may taglay na mahika at daang libong gintong barya at dyamente. Isa-isang napahiyaw ang apat ng makita sa scoreboard ang kani-kanilang pangalan na magkakasunod matapos magapi ang serpyente. Nangunguna sina Skye at Bloom, sumunod si Phoenix at Winona at panghuli ay si Hunter. Dulot ng sobrang kagalakan na patulon si Winona na parang bata. “Hoy Winona!” Nakapamaywang na sita ni Bloom sa kaibigan.” Tumigil ka sa katatalon at hiyaw riyan par