Kabanata 79: BAGONG BUHAY

1492 Words

KINAGABIHAN LUMIPAD ANG mag-ama patungong Osaka, Japan upang dalawin si Paloma. Minabuti ni Noah na ibahin ang ruta ng kanilang pagpunta sa Estados Unidos. Sa ganoong ruta hindi sila matunton ni Norberto. Alam n’yang pasusundan siya ng ama bagaman nagbitaw ito ng masasakit na salita. Kaya pala siya nitong ipagpalit dahil lamang sa galit nito sa kaniyang kaibigan. Buo na ang pasya ni Noah na pabagsakin ang Samañiego Telecoms. Ipalalasap niya muna rito ang tagumpay saka niya kukunin ang lahat-lahat kay Dixson. Mahigit apat na oras ang biyahe galing Manila papuntang Osaka. Kapansin-pansin naman ang mga ngiti sa mga labi ni Ethan. Hindi ito mapakali sa kinauupaan. “Papa, malayo pa ba?” tanong nito sa ama. “May isang oras pa. Bakit?” “Gusto ko nang makita si Mama-Ninang,” sagot nito. “An

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD